Halina’t sumabay!! 🏃 kalimutan ang sakit at subukang tikman at diskobrehin! 😋 ang panibagong tamis ng buhay.🍃
Nakakasawa na diba? yung pa ulit-ulit ka nalang nasasaktan?😟 este napapagod😉. Yung tipong nagkukumpulan📚 na ang iyong mga gawain at responsibilidad👦. Trabaho 🏢– Bahay🏠 o kaya naman eskwelahan 🏫 – bahay ang araw araw na destinasyon. Kain 🍝– tulog 💤 – selpon 📱nalang habang bakasayon.
Isa sa pinakamahirap na tanong 👓 sa mundo kasunod ng saan tayo kakain 🍜 ay “SAN TAYO PUPUNTA?” sus! Wag ng mag alala! 😛
dahil…
.
.
.
.
PLANTATION BAY🌴 RESORT🌊 AND SPA🌺
Ang sagot sa iyong hinihiling!
📍Matatagpuan ito sa heart ❤ and soul ng 🎆Cebu, Lapu lapu City!
Ito ay mahigit 12 ka ektarya ang pribadong lupain.🌲 Ang Plantation Bay ay isa sa mga pinakamalaking privately-owned waterways in the world!🌏
Matatagpuan dito ang malinis at eleganteng colonial-plantation architecture.🏛 Lumayo sa bigat ng buhay sa pamamagitan ng healing tranquility ng environmentong ito na nagsasabing “away from it all”.☘ Kung ikaw kay nagbabakasyon kasama ang pamilya o isang romantic getaway, para sa business o pleasure, pwes swak! Ito ang iyong best choice dito sa Pilipinas✅
“A Resort in a class of it’s own” Ano ano nga ba ang iba’t – ibang libangan at adventure na napaparoon at matutuklasan mo dito?🤔
📍Man Made lagoons and pool – mag relax sa 24/7 saltwater lagoon na swak sa mga kapos sa height *joke😂* sa mga bata pati na matanda.
📍East Saltwater Lagoon- Sumulong na sa 12 ft salwater lagoon at sumisid sa pinaka ilalim nito. 🚫 Bawal sa mga bata at hindi marurunong lumangoy dahil sa lalim nito.
📍Kayaking – mag enioy sa mga maliliit na bangka at sumabay sa agos ng alon. Suitable to all ages ito.🚣
📍 The Big 4
✔Fiji
✔Palermo
✔Savannah
✔Kilimanjaro
– Wala ng sasarap pa sa mga local favourties na nangagaling sa iba’t – ibang sulok ng mundo.😛 Plantion Bay’s theme breakfast, lunch, and dinner ay talagang dapat balik balikan (ikaw hindi, jk). Maaring chinese, filipino, mexican food at iba pa ang sineserve nila depende sa araw.🌞
📍Lounge by the beach
– Mamangha sa kagandang ng bagong sikat at paglubog ng araw o mag enjoy lamang sa malamig na hangin at sa magandang tanawin.🌊
📍Mogambo Springs Spa
– Isa sa mga dapat inabang abangan sa Plantation Bay. Gamit ang ancient japanese massage at theme. Ikaw ay mapupunta sa langit.🌅
📍Lagoon bar- Mag order na ng ice cold bar o refreshing cocktail katapat sa nagliliyab na sakit este araw.🍹
📍Deep Blue Sea Diving
– Kung ikaw man ay beginner o eksperto, may diving sites na napaparoon sayo para madiskobre ang marine life sanctuary.🏊
📍Galapagos Beach
✔Jet-ski
✔Parasailing
✔banana-boat
– Para sumigla ang inyong mga damdamanin halina at mag enjoy sa mga extreme rides.💦
📍Biking- May bike station sa Plantation Bay na libre at maaring gamitin para ikaw ay makapaglakbay sa mga lugar sa resort.🚴
📍Gym at Game room- sawa na sa tubig at outdoor activitiess? Magpakamacho at magpakasaya sa 24/7 gym at game room.🎮
📍Firing Range- Ready, aim, shoot. Mamili lamang sa klase klase ng baril at feel free to lock and load.💥 Age restricted 🚫
📍Savannah Grill- Magpalipas oras, maglaro ng board games habang umiinom ng wine para mag relax at unwind.💭
✅Sa halagang 12k all day-access pass, 4-person with room and pool. Masusubukan niyo na ang lahat ng nais niyong maranasan dito. Sulit na sulit ✔✅
Pano makakapunta dito? Ali na ang sumabay sa aking lakbay.🌠
🔗Una mula ozamiz sumakay ka ng tricycle papuntang port (P10) at sumakay ng barko papuntang Cebu Port (P900-1000). Mahigit 10H ang biyahe.🚐
🔗Mula naman sa Cebu Port papuntang plantion bay ay sumakay ka ng taxi(P500-750) *depende sa traffic*. Mahigit 1hr ang byahe.
O Di kaya….
🔗Mula Ozamiz sumakay ng tricycle (P10) papuntang ozamiz airport. Pagkatapos naman ay sumakay ng eroplano (P1,500 more or less) papuntang Cebu, Mactan International Airport. Mahigit 30 minuto ang byahe.
🔗Makakadating ka na sa Mactan International Airport at sumakay ka naman ng taxi (P500-800) papuntang plantation bay.
" Plantation Bay Resort and Spa is not just a resort, Its an experience"

